confide in your love

and always trust your heart.

Monday, December 20, 2010

To Save a Life | Go to post

Pasimula
Ang buhay ng tao ay maikli lamang kaya't binibigyan niya lang ng pagpapahalaga ang mga bagay na nakakapagpasaya at nakakatulong sa kanya habang siya ay nananatili sa mundo. Ngunit, alam ba niya ang tunay na dahilan kung bakit siya ay nabuhay at dapat mabuhay?

Ako si Kevin - isang batang puno ng iba't ibang pananaw at ideolohiya sa kahit saang bagay, gaano man ito kasimple at ano man ang halaga nito para sa akin. Sa halip na ibaling ang mga ito sa mga paraan tulad ng pagkikwento sa ibang tao ay ninanais ko na lamang sarilihin, upang hindi mahusgahan sa mapanlinlang na sanlibutan. Hindi ako kakaiba. Ito ay isa lamang sa aking mga aspetong minsan ay nakaaapekto sa aking pananaw.

Nagmula ako sa malayong lugar na may namamayagpag na iisang pananampalataya. Ito ay isang lungsod na may nangingibabaw na kasiyahan at pagkakaintindihan, subalit may kalakip na diskriminasyon at pagkasuklam. Ang aking bayang sinilangan, na iba sa aking kinalakihan, ay isang daigdig ng mga taong may makasariling pagnanais, simpleng ambisyong makaahon sa pang-araw araw na pamumuhay, at ang iba naman ay may malinis na kalooban. Dalawang magkaibang pinanggalingan, ngunit mayroong malaking pagkakatulad.

Dahil sa aking kagustuhang tumiwalag sa naturang kaugalian, dumayo ako sa isang panibagong mundo na kinapapalooban ng samu't saring tao na bitbit ang kani-kanilang paniniwala at kultura sa pinanggalingan. Ang aking naging tirahan ay tirahan din ng mga taong nais kong maging kakilala ngunit ang pagkakaiba ko sa kanila ay naging hadlang upang ako'y kanilang mabatid. Ang aking unang tugon sa bawat obserbasyon ay ang pananatiling mailap sa mga naeengkwentrong uri ng nilalang na iba sa aking kinagisnan. Ang aking mga kasa-kasama ay ang mga taong kapareho ko ang kinalakihang lugar. Sa mga buwan ng aming pamamalagi nang magkakasama ay walang humpay na kwentuhan at kasiyahan. Ngunit unti-unti itong naglalaho, dahil sa hindi pagkakapareho ng mga landas na nais tahakin. Sinubukan kong lumapit sa Kanya, sa tulong ng aking kinagisnang pananampalataya, upang mapawi ang pag-iisa. Nang lumaon, nagkaroon ng kalituhan ang aking puso at ito'y nadampihan ng kalungkutan...

oOo
Ito ang aking kwento.

Ikalawang linggo ng pasukan, Martes, bandang alas kwatro ng hapon, oras ng dismissal namin ng lab namin sa IT 1, nang medyo naramdaman kong sumama ang aking pakiramdam. Kaya umupo muna ako sandali sa isang bangko, katabi ang isang estranghero, sa ilalim ng puno at nagninilay nilay sa mga bagay na aking namamasdan — ang aking madalas na gawain pagkatapos ng klase. Nang umalis yung lalaking katabi ko, may lumapit naman sa akin at nagpakilala bilang isang Senior student na BSComSci. Sinubukan niya akong kaibiganin. Bumigay naman ako, kasi mukha naman siyang mabait na tao. Sumunod, sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ako nilapitan: ito ay ang Gospel (Ebanghelyo). Dahil sa ako ay isang Katolikong nagsisimba lamang kapag pasko o minsan kapag Linggo, hindi naman ako tumangging marinig ito. May mga tanong siya na hindi ko pa naitatanong sa sarili ko, tulad ng "Saan ba mapupunta ang aking kaluluwa, sa Langit o sa Impyerno?" at "Gaano ako kabait na bata?". Habang ibinabahagi niya iyon sa akin, unti-unti kong natanto ang mga bagay na ito: gaano ko kakilala ang Diyos? ano ang sukatan sa paniniwala ko sa Kanya? naniniwala ba talaga ako sa Diyos?

Marami akong nais malaman pagkatapos ng pagbabahaging iyon. Pagkatapos noon ay may ibinahagi pa siya tungkol sa isang tulay, na hindi niya maayos na naipaliwanag. Sa halip, isinantabi niya na lamang iyon at nanalangin. Pinagmasdan ko siya, at nag-isip ng kung anu-anong bagay ukol sa kanya, gaya ng "Bakit niya yun ginawa? Sino ba talaga siya?". Pagkatapos noon ay ipinakilala niya ako sa dalawa niya pang kasama — isang graduate at isang graduating student — pareho ComSci. Nagkwento pa siya at sinagot ang mga tanong sa aking isipan.

Lumapit yung dalawa, at may dumating pang isa — graduate daw siya pero hindi ComSci. Sumunod, inimbita nila ako sa isang "meeting" daw, 7pm sa kanilang hall. Nung una, nagduda ako, sapagkat noon ay bago pa lamang ako sa unibersidad at wala pang masyadong alam, na baka kung ano na itong aking pinapasukan. Sumama na lang ako sapagkat wala naman akong gagawin noong gabing iyon. Nagpakita sila ng kabaitan sa akin, hanggang makarating kami sa aming pupuntahan.

Nalaman ko na iyon ay isang pagtitipon ng kabataan para sa pagsamba sa Diyos. Doon ko rin unang nakilala ang aking guro ngayon sa CMSC 2 — siya yung namuno sa unahan at umawit ng mga kantang doon ko lamang narinig dahil sa pagkakaiba nito sa aking kinagisnang sambahan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon. Nagmasid-masid ako habang ang iba ay sumasabay sa himig ng awitin. May mga nakapikit, nakataas ng kamay, pumapalakpak, sumasayaw, at umaawit. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon. Pero hindi naman ako umalis dahil kasama ko naman yung nag-imbita sa akin.

Nang dumating na sa pagbabahagi ng mensahe, nalamigan na ako at umubo ng kaunti. Nahalata iyon ng nag-imbita sa akin tiningnan niya ang aking kalagayan. Sinisinat na pala ako. Sinamahan niya ako palabas sa may kainan at inasikaso nung isa niya pang kasama, habang siya ay bumibili ng gamot. Pinakain nila ako ng nakahaing tinola at ipinagpanalangin na gumaling ang aking karamdaman. Pagkatapos kong uminom ng gamot ay sinamahan ako ng nag-imbita sa akin papuntang kanto at binayaran ang aking pamasahe pa-uwi. Pag dating ko sa aking kwarto ay nagpahinga agad ako, pinag-iisipan ang karanasang nangyari nang panahong iyon.




Doon ko Siya unang nakilala. Doon ko Siya tinanggap bilang aking personal na Diyos at Tagapagligtas. Doon ko rin natanggap ang realisasyon ng Kanyang biyaya sa akin bago ko pa man Siya makilala. Magmula noon, nasagot ko na ang aking mga katanungan at marahang naintindihan ang mga bagay na noon ko lang nalaman.


Maraming Salamat sa iyong pagtangkilik at pagbasa. :)







Pagtatuwa: Ipagpaumanhin ninyo ang aking mali-maling pagsulat.

9:07:00 PM

I don't think you've heard ★

My name is Aneisha Ellis. I am, technically, African-american. I find it hard to name things I hate (because i barely hate anything). I'm 21 and I don't mind being shy. I try my best at everything and never fear failure because I believe that there is a reason for everything.

bold italics underline big link

header1

header2

header3

here is the blockquote

Archives



December 2010 |
Feeds

a twitter/tumblr/other feed could go here if you'd like.
The Friends
friendfriendfriendfriendfriend

The Links Out
linklinklinklinklinklink
images: layout: powered by:
fcbkdvntrttmblrhrtnashlblgskns

traumatic lust

follow